Interview


                       Ang in-interview ko ay aking nanay, ang trabaho niya ay Guro sa pampublikong paaralan sa probinsya ng quezon.

Ayon sa kwento ni mama bago siya maging isang guro, hindi siya agad-agad nakapag tapos ng kolehiyo, sa kadahilanan na meron siyang anak at sina ate yun. dahil mahirap ang buhay nina mama noon tanging highschool lamang ang natapos niya bago niya makilala ang tatay namin. Maagang nag-asawa si mama at papa, ang magulang na ng aking papa ang nag paa-aral sakanya. ang papa ko naman ay hindi nakapag tapos ng kolehiyo dahil paiba-iba ito ng course kaya noon naging security guard siya, kwento sa'min ng akin mama. ayon kay mama  " Habang nag-aaral ako sa enverga, dala dala ko ate mo at kuya mo." 
          sa pagkakatanda ko na sinabi ni mama "mahigit 20 years na ako sa pagtuturo." naalala ko isa sa           mga naging guro ko ang aking mama nung grade 2, uso pa noon ang pamamalo naranasan ko               mapalo niya bilang kanyang estudyante. dahil sa sobrang ingay namin isa-isa kami niyang                  pinalo. tumagal si mama bilang isang grade 2 teacher sa Agdangan Central Elementary school            sa probinsya ng Quezon. bilang guro ayon sa kanya "malii lang ang sweldo ko, 5000 dahil sa              kalo-loan. dati ay malaki naman kasi pag nagungutang ako ay agad kong nababayaran hindi                tulad ngayon." ayon sa kanya.

         Araw-araw ay ganon lang nangyari pero isang araw, binalak ni mama ang mag-principal. sa una          ay nabigo siya ngunit dahil sa pursigido si mama makapasa lagi lagi siyang at sa awa ng diyos           pumasa ang aking mama bilang principal I sa Unisan Quezon, at mag pa hanggang ngayon ay             ganon ang sistema namin. "tamo kung hindi ako nag principal, hindi tayo gagaan sa buhay."                 ayon sa aking mama. "mahirap man maging guro pag minsan, palaging pagod sa seminars,                   meeting, travel at kung ano-ano pa pero kung ito ay iyong gusto talaga. walang mahirap."


Comments

Popular posts from this blog

Photo essay

Dyosa ng mga Strand (HUMSS)