Photo essay


                                  Patintero


 Simpleng mga munting ngiti ng bata, na parang akala ng matatanda ay walang pinoproblema, Meron nga ba?


   Masasayang halakhakan at hagikgikan na parang wala ng bukas, hindi natin masisi dahil minsan tayo’y naging bata din, matigas ang ulo, takot sa multo, iyakin, lampa, ayaw matulog sa tanghale at laging nasa kalye.


  Ngunit sa likod ng kasiyahan may nakatagong masamang katotohan sa ating lipunan. Mga batang walang saplot sa kalye kasama ang kanilang magulang at mga kapatid na nakaupo sa daan at namamalimos, kadalasan ay walang makain sa araw-araw. At ang iba ay lumalaki ng walang alam at minsan pa ay natututong gumawa ng mali/masama. Anong magagawa nila ito lang ang tanging paraan para sila ay mabuhay. Minsan mapapaisip ka “asan kaya mga magulang nila? Bat hindi sila inaalagaan?” mga salitang walang kasagutan. 

Comments

Popular posts from this blog

Interview

Dyosa ng mga Strand (HUMSS)