Dyosa ng mga Strand (HUMSS)



              Humanities and Social Sciences. Napakagandang pakinggan 'di ba? Ano ng bang meron ds          strand na ito?
 
   Narito ang magagaling gumawa ng kwento tulad ng magagaling tumula, madami kang matutunan sa HUMSS at madaming madidiscover dito, tulad ng tula, kwento at art.
 
   Narito rin ang kursong na gusto mo. halimbawa, gusto mo mag-pulis, pwede. kung gusto mo, meron din. pwede ka rin mag-teacher o 'di kaya mag-mascom, psychology at sobrang dami pang iba.

   Alam kong bilang Grade 10 mahirap pumili ng school o papasukan na eskwelahan, at syempre, mahirap pumili ng strand dahil nand'yan ang STEM,HAS,ABM at TECH VOC.

   Hindi mo kailangang sundin ang nakasulat a NCAE mo, maging malaya sa pagpili. kung gusto mo ang HUMSS, madaming opportunity na naghihintay sa 'yo at sa gusto mong job. Tulad na lamang ng AB Psychologykung saan matututo kang bumasa ng behavior ng tao o body language n'ya; Malalaman mo rin kung nagsasabi ng totoo o hindi ang taong kausap mo. Hindi ka maloloko. kung gusto mo ay Education. Isa rin ito sa magaganda dahil ikaw, magtuturo  ka na rin ng mga estudyante na sobrang kukulit at parang wala nang bukas sa kaingayan. kung dati ay ikaw ang nag-iingay, sa mag susunod na panahon ay ikaw naman ang tatayo sa unahan at magututuro.

   Pwede ka rin mag-mascom, kung idol mo ang mga reporter sa ABS-CBN o 'di kaya sa GMA o mapa-TV5 man, maaari kang maging tulad nila. makakapag-uli ka sa bayan-bayan, makakasalamuha ang iba't ibang tao at mapapanood ka  ng mga tao sa TV.

   Sa HUMSS din kung ayaw  mo umuwi ng maaga bagay ito sa 'yo. dahil ang pinakamatagal na oras ng uwi ay 7:00 PM. Oo, mag-eenjoy ka. marami ka rin makikilala na bagong mga friends pagtungtong mo sa Grade 11; sa HUMSS rin madaming magaganda, pogi, at matatalino.





Comments

Popular posts from this blog

Photo essay

Interview