Pangulong Duterte



                Mahal naming Pangulong Rodrigo R. Duterte. Bilang estudyante, kami ay may kaalaman      na tungkol sa kapaligiran naming ginagalawan. Narito ang mga suliranin na kinahaharap ng                gobyerno at ng mga tao, tulad na lamang ng droga na siyang matagal ng suliranin dito sa bansa            natin. Ito rin ang karaniwang dahilan kung bakit ang marami sa Pilipino ay nakagagawa ng                  krimen. 
      
          Ano nga ba ang kanilang dahilan? Bakit gumagamit sila ngpinagbabawal na gamot?                   syempre, kahirapan sa buhay ang pinakadahilan ng mga tao na gumagamit nito. Pero bakit                   patuloy parin nila itong ginagawa gayong mahirap na nga sila? Ngunit, may mga tao rin na                 mayayaman ang gumagamit ng droga. Kadalasan ang mga mayayaman ay hindi naikukulong               dahil sa pera nila o dahil may kapangyarihan o. Samantala ang mahihirap 'pag nakuhaan o                   nahulihan ng droga, kahit mismo na sa tahanan nila kasama ang pamilya, ay puwersahang                   kukunin at papatayin. Hindi masisisi ang pamahalaan dahil dito, dahil para rin ito sa bansang               Pilipinas,para umunlad,para mabawasan ang mga masasamang tao sa lipunan. Ngunit sa iba,               ito ay labag sa Human Rights, at ang iba naman ay sumasang-ayon dahil "raw" nababawasan               na ang mga masasama sa lipunan, na siyang problema ng mga tao at ng gobyerno noon.

         Tanging ikaw Pangulong Duterte ang siyang nag-aalis ng mga taong ganon. alam namin na ito ay para sa lahat, sa ikabubuti ng Pilipino. Ngunit, sana hindi lamang mahihirap ang siyang madalas na nahuhuli. alam natin na pato mayayamang tao ay gumagamit din nito.

Maging patas sana ang paghuli sa mayayaman at mahihirap. Masakit, marahil ang nararamdaman ng mga pamilya na nauulila dahil sa EJK at itong programang ito ay magsisilbing babala sa mga taong gumagawa ng masama sa lipunan at sa mga bumabalak gumamit ng droga. isipin n'yo ang mangyayari pag ito'y ginawa n'yo; hindi lamang kayo ang maapektuhan kundi ang mga pamilya n'yo. isipin ang kahihinatnan ng buhay n'yo 'pag droga ay sinubukan.

                                                                                                                             Lubos na gumagalang,
                                                                                                                                     C.Aguilar

Comments

Popular posts from this blog

Photo essay

Interview

Dyosa ng mga Strand (HUMSS)