Reportage

                                     

     Tungkol ito sa mga Pelikula na ginagawa dito sa ating bansa, ayon dito may mga paraan para sumulat ng kwento sa isang pelikula tulad ng ENDING DEVICES,DRAMATIC IRONY, CHARACTER CHANGE, PLANTS AND PLAYOFF'S.

     Narito rin ang mga kwento ng mga kilalang direktor sa ating bansa, mga kwento na kung san tumatalakay ito sa mga nagaganap sa isang pelikula na ginagawa. Mga artista, mga kwento ng mga artista na s'yang gumaganap sa mga pelikula na ginagawa sa Pilipinas. Nagkwekwento sa sila tungkol sa kanilang mga nararamdan at mga mga naranasan habang ginagawa nila ng mabuti ang pelikula.

    Narito ang ilan sa mga hakbang upang makagawa ng isang mahusay na pelikula.

Main Character- Kanya ang pinakamahabang character development sa pelikula at kanya rin ang resolusyon. siya ang nagdadala ng kwento.

Ipakilala sa kilos- ang pagpapakilala sa character ay sa isang paraang hindi siya dini-describe lagi sa dialogue o ipinupwersa sa manonood. Ang exposition ay  ginagawa nating hindi halata.

Back story- pangayayaring nangyari bago magsimula ang istorya, pero may relevance sa takbo ng istorya ngayon.

Stereotypes- Halimbawa, landlord na mapang-api, ang prositute na may pusong maawain atbp.

Plants and playoffs- plant isang piraso ng impormasyong ibinibigay sa manonood. samantalang ang Playoffs naman ang tawag sa oras ng pag-ani.

Mga Elemento ng Set-up- Bilang pagsusuma, eto ang mga ini-establish sa set-up ng pelikula.
               
a.) Ang main character
b.) Ang mundo ng main character
c.) Ang problema o obstacle o antagonist
d.) Ang inciting incident o disturbance
e.) Ang reaksyon ng main character sa disturbance
f.) Ang tone o style ng pelikula
g.) Kung minsan, konting back story.

Ito ang ilan sa mga hakbang na sinusundan ng direktor upang makagawa sila ng mahusay ng pelikula, na tiyak na makakahatak ng manonood.









Comments

Popular posts from this blog

Photo essay

Interview

Dyosa ng mga Strand (HUMSS)