home life



May isang maliit na bayan sa Probinsya ng Quezon at ito'y nagngangalang AGDANGAN. Medyo malayo ito sa kabihasnan mga 1hour and 30minutes, 'Pag nilakbay mula Lucena hanggang doon Sa probinsya. duon kami nakatira.

Sa may bayan, nakatayo ang aming kulay yellow na may blue na bahay. Sa palagay ko, mahigit 50 years na kami duon. Ang aming bahay ay kumpleto; May binatana na malaki, may madaming pinto. may bubong at may gate.

Sa loob ng bahay may T.V tska carpet, sofa, salamin at iba pa. ito ang pinaka paborito ko kasi may paglilibangan tuwing naiinip at ang kwarto syempre para humiga at mag-isip tungkol sa buhay, pero ang totoo talaga ay mag-isip ng kung ano-ano at makaiwas sa utos ni inay. Ako lagi ang naglilinis ng buong bahay kaya malinis ito mapalabas o mapaloob man, hindi kami kumpleto sa bahay dahil wala si itay nasa ibang bansa.

Kami-kami lang sa bahay; si inay, si lola, mga kuya, ako at si pitchy. nagkakasundo naman kami 'pag minsang magkakapatid pero pag pagkain na usapan "kanya-kanya" kawawa ang mahuhuli dahil parang nalimas ng magnanakaw ang kaldero at ulam, in short UBOS!

Masaya kami 'pag maganda umaga mantritrip na habang nakain at madalas dun nagsisimula ang seryusohan na usapan halimbawa tungkol sa school, kuryente at iba pa. Ang masama lang sa bahay ay 'yung mga kaibigan ng mga kuya ko na akala mo hindi pinapakain sakanila at sa bahay namin na dayo ng kain.

Pero hindi kami palaging masaya, may problema rin at isa na dito ay noong nabuntis si ate. Pero, bilang magulang nagpatawad sina inay at kapalit noon ay nagkaroon kami ng Raven Lawrence na sobrang pogi at daldal na siyang lalong bumuo sa Pamilyang Aguilar.





Comments

Popular posts from this blog

Photo essay

Interview

Dyosa ng mga Strand (HUMSS)