Posts

Showing posts from 2017

Interview

                       Ang in-interview ko ay aking nanay, ang trabaho niya ay Guro sa pampublikong paaralan sa probinsya ng quezon. Ayon sa kwento ni mama bago siya maging isang guro, hindi siya agad-agad nakapag tapos ng kolehiyo, sa kadahilanan na meron siyang anak at sina ate yun. dahil mahirap ang buhay nina mama noon tanging highschool lamang ang natapos niya bago niya makilala ang tatay namin. Maagang nag-asawa si mama at papa, ang magulang na ng aking papa ang nag paa-aral sakanya. ang papa ko naman ay hindi nakapag tapos ng kolehiyo dahil paiba-iba ito ng course kaya noon naging security guard siya, kwento sa'min ng akin mama. ayon kay mama  " Habang nag-aaral ako sa enverga, dala dala ko ate mo at kuya mo."            sa pagkakatanda ko na sinabi ni mama "mahigit 20 years na ako sa pagtuturo." naalala ko isa sa           mga naging guro ko ang aking mama nung grade 2, uso pa noon ang pamamalo naranasan ko               mapalo niya bilang kanyang e

Photo essay

Image
                                  Patintero   Simpleng mga munting ngiti ng bata, na parang akala ng matatanda ay walang pinoproblema,  Meron nga ba?     Masasayang halakhakan at hagikgikan na parang wala ng bukas, hindi natin masisi dahil minsan tayo’y naging bata din, matigas ang ulo, takot sa multo, iyakin, lampa, ayaw matulog sa tanghale at laging nasa kalye.   Ngunit sa likod ng kasiyahan may nakatagong masamang katotohan sa ating lipunan. Mga batang walang saplot sa kalye kasama ang kanilang magulang at mga kapatid na nakaupo sa daan at namamalimos, kadalasan ay walang makain sa araw-araw. At ang iba ay lumalaki ng walang alam at minsan pa ay natututong gumawa ng mali/masama. Anong magagawa nila ito lang ang tanging paraan para sila ay mabuhay. Minsan mapapaisip ka “asan kaya mga magulang nila? Bat hindi sila inaalagaan?” mga salitang walang kasagutan. 

Reportage

                                           Tungkol ito sa mga Pelikula na ginagawa dito sa ating bansa, ayon dito may mga paraan para sumulat ng kwento sa isang pelikula tulad ng ENDING DEVICES,DRAMATIC IRONY, CHARACTER CHANGE, PLANTS AND PLAYOFF'S.      Narito rin ang mga kwento ng mga kilalang direktor sa ating bansa, mga kwento na kung san tumatalakay ito sa mga nagaganap sa isang pelikula na ginagawa. Mga artista, mga kwento ng mga artista na s'yang gumaganap sa mga pelikula na ginagawa sa Pilipinas. Nagkwekwento sa sila tungkol sa kanilang mga nararamdan at mga mga naranasan habang ginagawa nila ng mabuti ang pelikula.     Narito ang ilan sa mga hakbang upang makagawa ng isang mahusay na pelikula. Main Character - Kanya ang pinakamahabang character development sa pelikula at kanya rin ang resolusyon. siya ang nagdadala ng kwento. Ipakilala sa kilos- ang pagpapakilala sa character ay sa isang paraang hindi siya dini-describe lagi sa dialogue o ipinupwersa sa manon

Critical Essay

Claricel L. Aguilar HUMSS- Paz Marquez Benitez ·           Ayon kay alejandro abadilla ano ang kahulugan ng essay? -Ang sanaysay ay isang maikling komposisyon na kalimitan naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may akda. ·           Ano-ano ang mga nagaganap sa CNF sa kasaysayan ng Filipino? -Ang CNF ay tumutalakay sa totoong buhay ng mga tao na nagbuwis ng buhay sa kasaysayan ng pilipinas. ·           Bakit maituturing na sanaysay ang talambuhay? -Dahil ito ay tungkol sa personal pagkatao ng may ari/ may akda. ·           Ano ang nagging ambag ng sanysay bilang liderary form? -Ito ay isang sariling kuro kuro na kung saan ang lahat ay may kanya kanyang paniniwala. ·           Bakit nilikha ang sanaysay? -Para magsilbing isang personal na kuro kuro. ·           Ano-ano ang mga lumitaw na isyu ukol sa pagsulat ng essay sa pilipinas? -Tulad na lamang ng isyu tungkol sa mahihirap na hanggang ngayon ay hindi padin makaahon. ·           Ano ang pagka

Dyosa ng mga Strand (HUMSS)

              Humanities and Social Sciences. Napakagandang pakinggan 'di ba? Ano ng bang meron ds          strand na ito?      Narito ang magagaling gumawa ng kwento tulad ng magagaling tumula, madami kang matutunan sa HUMSS at madaming madidiscover dito, tulad ng tula, kwento at art.      Narito rin ang kursong na gusto mo. halimbawa, gusto mo mag-pulis, pwede. kung gusto mo, meron din. pwede ka rin mag-teacher o 'di kaya mag-mascom, psychology at sobrang dami pang iba.    Alam kong bilang Grade 10 mahirap pumili ng school o papasukan na eskwelahan, at syempre, mahirap pumili ng strand dahil nand'yan ang STEM,HAS,ABM at TECH VOC.    Hindi mo kailangang sundin ang nakasulat a NCAE mo, maging malaya sa pagpili. kung gusto mo ang HUMSS, madaming opportunity na naghihintay sa 'yo at sa gusto mong job. Tulad na lamang ng AB Psychologykung saan matututo kang bumasa ng behavior ng tao o body language n'ya; Malalaman mo rin kung nagsasabi ng totoo o hindi ang ta

Pangulong Duterte

                Mahal naming Pangulong Rodrigo R. Duterte. Bilang estudyante, kami ay may kaalaman      na tungkol sa kapaligiran naming ginagalawan. Narito ang mga suliranin na kinahaharap ng                gobyerno at ng mga tao, tulad na lamang ng droga na siyang matagal ng suliranin dito sa bansa            natin. Ito rin ang karaniwang dahilan kung bakit ang marami sa Pilipino ay nakagagawa ng                  krimen.                   Ano nga ba ang kanilang dahilan? Bakit gumagamit sila ngpinagbabawal na gamot?                   syempre, kahirapan sa buhay ang pinakadahilan ng mga tao na gumagamit nito. Pero bakit                   patuloy parin nila itong ginagawa gayong mahirap na nga sila? Ngunit, may mga tao rin na                 mayayaman ang gumagamit ng droga. Kadalasan ang mga mayayaman ay hindi naikukulong               dahil sa pera nila o dahil may kapangyarihan o. Samantala ang mahihirap 'pag nakuhaan o                   nahulihan ng droga, kahit mismo na s

Biography

Image
Ahmir's event photos

Biography

Si Ahmir Almadrones, tingin ko sakanya mabait yan tska mabarkada at siguradong mabuti s'yang kaibigan sa mga barkada nya. Hindi ko sya masyado nakakausap, pero alam kong mabuti sya na kaibigan. Isa siya sa mga kaklase ko ngayong taong ito.
Image
Ahmir's 2016 birthday post and pictures
Image
Ahmir's 2015 shared posts

Biography

Image
Ahmir's 2014 tagged photos

Biography

Image
Ahmir's 2013 post with his friends

Biography

Image
Ahmir's 2012 fb wall posts

Biography

Image
Ahmir's 2011 status with comments

Biography

Image
Ahmir's 2010 profile pictures :)

inner life

Bata pa lang ako ay mahilig na 'ko magdrawing, gagayahin ang mga nasa litrato at ito'y isusulat sa papel kahit medyo hindi kagandahan. Mahilig din ako mag-imagine ng mga imposible, katulad ng lumilipad ako. Gusto ko maging reporter na lumalabas sa T.V pero hindi yung literal na lumalabas talaga mula sa screen. Malayo-layo na rin ang nararating ko kasi grade 11 na 'ko ngayon, wow. Sobrang tagal ko na sa school. May mga bagay ako nga ayoko tulad ng bulate at sobrang ayoko sa matataas na lugar kasi feeling ko baka mahulog ako sa kinatatayuan ko.  Mas ginagalang ko ang value ng family ko, Kasi sila 'yung mas importante. Mas pinagkakatiwalaan, at hinding-hindi ako iiwan tulad ng ginawa ng iba. Ayoko rin sa sobrang imgay nakakastress agad sa umaga. Gusto ko rin ang mga hayop tulad ng aso, kasi sobrang cute nila at sarap yakapin.

life with others

Sa isang probinsya sa Quezon na Agdangan ang pangalan, isinilang a duon na pinalaki ng kanyang mga magulang. simple lang ang bahay ngunit kumpleto. Naiiba ito dahil sa kulay na parang PBB HOUSE. Ang mga magulang ko ay parehong may trabaho, isa ay sa Gobyerno at ang isa ay OFW. Pinalaki nila ako ng maayos tulad ng mga kapatid ko, hindi man laging nasusubaybayan ng magulang ito'y hindi naging hadlang. Pinag-aral ako sa pampublikong paaralan hanggang ako ay mag high school. Mahilig s'ya sumali sa mga organization at kumanta sa loob ng banyo dahil tanging yun lang ang lugar na kung saan ay maganda ang boses ko.  Nagkaroon ng crush ako pero dahil uso ang iwanan, hindi na s;ya bumalik. Pero sa ngayon nasa Lucena na ako, Pero tulad padin ng dati palagi siyang mag-isa sa bahay, patay ang ilang, malamig ang paligid tanging cellphone lamang ang nagsisilbing ilaw sa gabi.

home life

May isang maliit na bayan sa Probinsya ng Quezon at ito'y nagngangalang AGDANGAN. Medyo malayo ito sa kabihasnan mga 1hour and 30minutes, 'Pag nilakbay mula Lucena hanggang doon Sa probinsya. duon kami nakatira. Sa may bayan, nakatayo ang aming kulay yellow na may blue na bahay. Sa palagay ko, mahigit 50 years na kami duon. Ang aming bahay ay kumpleto; May binatana na malaki, may madaming pinto. may bubong at may gate. Sa loob ng bahay may T.V tska carpet, sofa, salamin at iba pa. ito ang pinaka paborito ko kasi may paglilibangan tuwing naiinip at ang kwarto syempre para humiga at mag-isip tungkol sa buhay, pero ang totoo talaga ay mag-isip ng kung ano-ano at makaiwas sa utos ni inay. Ako lagi ang naglilinis ng buong bahay kaya malinis ito mapalabas o mapaloob man, hindi kami kumpleto sa bahay dahil wala si itay nasa ibang bansa. Kami-kami lang sa bahay; si inay, si lola, mga kuya, ako at si pitchy. nagkakasundo naman kami 'pag minsang magkakapatid pero pag p

Auto biography

Noon, sabi ng aking inay, ipinanganak daw ako sa isang hospital dito sa Lucena City, Quezon.  Noong Hunyo bente sais, dalawang libo. hindi raw ako ang pinaka-sosyal na pinanganak ni inay, sabi ni kuya kong mataba, gawa ng sa tricycle lamang daw ako isinakay ni inay. Habang nagkwekwento, tawang-tawa ang baboy sa pang-aasar. Lima kaming BUTIHIN, MASISIPAG na mga anak ni inay at itay. Naninirahan kami sa probinsya sa quezon na katabing bayan ng Padre Burgos, ito ay ang Agdangan. Maituturing k ito bilang maganda, tahimik tska malinis. Nung pumasok na ako bilang kindergarten pero akala ko noon ang tawag dito ay KINDERGARDEN, pero mali pala ako. tandang tanda ko pa noon sa room nabubo 'yung spaghetti di ako ako si bata sinipa-sipa tapos maya-maya pinulot 'yung isang spaghetti at kinain. Noong grade 3 naman ako, aba. lagi akong pinapagalitan ng teacher ko, tapos 'pag perfect ako sa pa-assignment n'ya tintignan pa talaga. tapos, minsan nag-highest ako sa pa-quiz n

Yolanda (taklub)

                                                                                                                      Yolanda                     Nasunog ang tent city, dahil sa napabayaan na Gasera at sa loob no'n naiwan si Renato at ang kanyang mga anak. nakaligtas si Renato ngunit ang kaniyang mag-ina ay namatay.             Ito ay masasabi kong kamalasan dahil kasunod ng bagyo ay nasunugan naman anag mga ito.           "Dito tayo lumaki, Dito tayo tatanda." ayaw umalis ng mga mamayan ng bayan sa kanilang                  lugar. dahil sobrang mahalaga ang bayan sakanila.                   Ipinapaalala nito kung pano sobrang na salanta ang Tacloban ng bagyong Yolanda at kung                   paano naghirap ang mga naninirahan sa nasabing bayan. Para muling makita ng mga nanunuod           nito ang nangyari sa mga panahong nasalanta ang nasabing bayan.                  Oo, Nangyayari ito sa mga panahong gan'to dahil sa napapabayaang kandila o gasera na